Labingapat na Pagbaha
Karaniwan – walang duda;
12 pantigan; tugmang isahan – dapat
Istorbo ang kamandag ng plumang itim
at birheng kalatagan ay sasakupin
Tigang ang lupang minimithi ang aliw
mula sa tintang itim, siya’y pipitpitin
‘Di naman dapat papatulan ng pluma,
ngunit nagpumilit ang tigang na lupa
Hiling ay matamnan siya ng mga letrang
bubuwag ng asiwa sa kanyang Wika
Naninibago ang lambak na dating salat,
tintang pataba’y sinipsip at linasap
Ang pagsibol ng mga supling,naningkad
Gayuma ng inulang tinta, tumalab
Sumikat ang araw, natuyo ang tinta
Katutubong Wika’y naunawaan na
Lulubog ang helios, muling mambabadya
Ang pagbaha ng tinta’y pansamantala
*unang-una ito sa lahat. Mga tatlong araw rin ang lumipas bago ko siya natapos. Malamang, pansamantala nga lang ang pagiging makata ko. Baka.
3 Comments:
Tuesday, July 19, 2004
Labingapat na Pagbaha
Karaniwan – walang duda;
12 pantigan; tugmang isahan – dapat
Istorbo ang kamandag ng plumang itim
at birheng kalatagan ay sasakupin
Tigang ang lupang minimithi ang aliw
mula sa tintang itim, siya’y pipitpitin (labing-tatlong pantig; suhestiyon: siya’y->s’ya’y)
‘Di naman dapat papatulan ng pluma,
ngunit nagpumilit ang tigang na lupa
Hiling ay matamnan siya ng mga letrang
bubuwag ng asiwa sa kanyang Wika (ang pluma at letra ay magkatugma; gayundin ang lupa at Wika; ngunit hindi ang apat; ang ganitong estilo ay maaari ring gamitin, kaya lamang kailangang ang lahat ng saknong o talata ay gayun din)
Naninibago ang lambak na dating salat, (labing-tatlong pantig)
tintang pataba’y sinipsip at linasap
Ang pagsibol ng mga supling,naningkad (labing-iang pantig lamang; mga=isang pantig [tulad sa ikalawang saknong])
Gayuma ng inulang tinta, tumalab (ano ang inula?)
Sumikat ang araw, natuyo ang tinta
Katutubong Wika’y naunawaan na
Lulubog ang helios, muling mambabadya (mambabadya->magbabadya)
Ang pagbaha ng tinta’y pansamantala (magbabadya-may diin, hindi tugma sa tatlong huling salita sa bawat linya o taludtod)
*unang-una ito sa lahat. Mga tatlong araw rin ang lumipas bago ko siya natapos. Malamang, pansamantala nga lang ang pagiging makata ko. Baka.
posted by d0naligem @ 9:29 AM 0 comments
ano nga pala ang ibig sabihin ng helios? =)
salamat, sarj!!!sobrang nalilito pa rin ako sa tugmaan...bibili na lang ako ng diksyunaryong kumpleto at maasahan. makuha ko lang kung paano magtugma, tatahimik na ako.haha.
Post a Comment
<< Home