Tuta (Tulang Nadiktahan)

hm, stricto dapat. inaaral ko pa kung papaano.

Thursday, August 04, 2005

Bulag

pumalya ako dito - pero sa mensahe, palagay ko nailathala ko naman ng matiwasay. 12 pantig, 4-6 na saknong na may paksang "Alamat ng Pag-big" - ang inspirasyon ay nagmula sa kantang "Origin of Love" ng Hedwig and the Angry Inch (isang pelikulang nakapagpasaya sakin kahit papaano).

Daing ng Anghel: mailigtas ang Mutya
na nasa pagitan – mabuti’t masama
Kadunungan ‘di pa niya nakukuha
Kalaliman ng idlip, natatamasa

Hinimay ng Bathala kanyang katawan
upang ang Anghel magkaroon ng laman
Tunay na pakay ng Anghel: kalayaan
Nagsawa’y nayamot sa Kalangitan

Ibig ng Anghel alaala’y mawala
Sa Diyos daw uwi niya kahit magsimula
Nalungkot sa pangitain si Bathala
Pinagbigyan kahit pinsala’y nakita

Ang Anghel ay tumungo sa kalawakan
ngunit gising ang dalaga nang nadatnan
Kamandag ng dilim, hinawaan
ng Kamatayan – Anghel ay naunahan

Hindi man lang nagulantang ang Bathala
Napaghandaang mabuti ang pinsala
Anghel naging tao; mundo’y dating Mutya
Pinagsalin ng Diyos, hahanap sa Kanya

Hindi nabawi ng Diyos ang Kanyang laman
mula sa taong mahal Niyang pinagbigyan
Mundo’y nalilito at nahihirapan
Iibig ba sa hindi nasisilayan?


*ayaw ko nang sumulat ng tula kapalit ng grado - papalya talaga ako.

1 Comments:

At 10:51 AM, Blogger Sarah Dimabuyu said...

Thursday, August 04, 2005
Bulag

pumalya ako dito - pero sa mensahe, palagay ko nailathala ko naman ng matiwasay. 12 pantig, 4-6 na saknong na may paksang "Alamat ng Pag-big" - ang inspirasyon ay nagmula sa kantang "Origin of Love" ng Hedwig and the Angry Inch (isang pelikulang nakapagpasaya sakin kahit papaano).

Daing ng Anghel: mailigtas ang Mutya
na nasa pagitan – mabuti’t masama
Kadunungan ‘di pa niya nakukuha
Kalaliman ng idlip, natatamasa

Hinimay ng Bathala kanyang katawan
upang ang Anghel magkaroon ng laman
Tunay na pakay ng Anghel: kalayaan
Nagsawa’y nayamot sa Kalangitan (At ang mas angkop: Nagsawa’t; labing-isang pantig lamang)

Ibig ng Anghel alaala’y mawala
Sa Diyos daw uwi niya kahit magsimula (labing-apat na pantig; suhestiyon: Sa D’yos daw uwi n’ya kahit magsimula)
Nalungkot sa pangitain si Bathala
Pinagbigyan kahit pinsala’y nakita (ang Bathala at nakita ay hindi nagtutugma; may diin ang Bathala samantalang ang nakita ay wala)

Ang Anghel ay tumungo sa kalawakan
ngunit gising ang dalaga nang nadatnan
Kamandag ng dilim, hinawaan (sampung pantig lamang)
ng Kamatayan – Anghel ay naunahan

Hindi man lang nagulantang ang Bathala
Napaghandaang mabuti ang pinsala
Anghel naging tao; mundo’y dating Mutya
Pinagsalin ng Diyos, hahanap sa Kanya (gayundin ang Mutya at Kanya; Mutya: may diin, Kanya: wala; labing-tatlong pantig, suhestiyon: gawing D’yos ang Diyos)

Hindi nabawi ng Diyos ang Kanyang laman (labing-tatlong pantig; suhestiyon: ‘Di nabawi ng Diyos ang Kanyang laman)
mula sa taong mahal Niyang pinagbigyan (labing-tatlo din; suhestiyon: gawing N’yang ang Niyang)
Mundo’y nalilito at nahihirapan
Iibig ba sa hindi nasisilayan?

*ayaw ko nang sumulat ng tula kapalit ng grado - papalya talaga ako.
(kaya mo ‘yan! Masaya naman ‘di ba?)

posted by d0naligem @ 5:19 PM 0 comments

 

Post a Comment

<< Home