Tuta (Tulang Nadiktahan)

hm, stricto dapat. inaaral ko pa kung papaano.

Tuesday, August 09, 2005

Kapalit

Pantigan dapat siya;

7 pantig; at tugmang isahan din – sana

Dumayo ng saglitan

Pinako ng sakitan

Natapos ang palitan

Presensya ng paglisan


Gagabayan ang lahat

Nagpapako ng tapat

Ang Salita’y ‘di sapat

Nararamdama’y salat


Kaluluwa’y konsepto

Patnubay, ‘di konkreto

Pananaw ‘di kumpleto

‘Di silay sa kumbento


Iyong puso’y ihanap

Matayag, alapaap

Lubusang magaganap

Ibaon ang hinagap


*Inspirado ako ng isinulat ko ito dahil sa mensahe ni Melvin noong ika-18 ng Hulyo 2005 sa Stillwaters Kalai. Nabago ang paningin ko sa Banal na Ispiritu nang sabihin niyang “bitawan na ang imahinsayon – ‘di na kailangang pilitin ang sarili para maniwala sa kung ano ang totoo.”

Astig talaga ang Diyos! Maraming salamat sa pagiging tagapagsalita Niya, minamahal na Melvz!

1 Comments:

At 10:20 AM, Blogger Sarah Dimabuyu said...

Goyz,
Pakitingnan mo ang mga tanong ko, komento at suhestiyon…
Baka makatulong =)
Maganda ang iyong pagsulat, kung may ayaw ka sa aking mga pagsusuri... pasensiya =)
Datapuwat nais kong linawagin na mabuti rin ang mayroong sariling estilo sa pagsulat, magaling ang iyong mga pagtatangka =)
pagbutihin lalo =)
natutuwa ako at mayroon akong mga kaibigang makata na tulad mo =)

Tuesday, August 09, 2005
Kapalit

Pantigan dapat siya;

7 pantig; at tugmang isahan din – sana

Dumayo ng saglitan

Pinako ng sakitan (ano ang ibig sabihin ng sakitan dito? )

Natapos ang palitan

Presensya ng paglisan


Gagabayan ang lahat

Nagpapako ng tapat (anong nagpapako? Kung iisa ang ibig sabihin ng “pinako” sa unang talata, maaari sigurong baguhin o pag-ibayuhin ang salita )

Ang Salita’y ‘di sapat (God’s word ba ang tinutukoy Mo? Tama ba? Kung gayon, tama lang na malaking titik ang iyong ginamit)

Nararamdama’y salat


Kaluluwa’y konsepto

Patnubay, ‘di konkreto (kongkreto)

Pananaw ‘di kumpleto (may kuwit: Pananaw,)

‘Di silay sa kumbento


Iyong puso’y ihanap

Matayag, alapaap (ano ang matayag? Ibig mo bang sabihin ay mataas? Kung oo, MATAYOG ang dapat)

Lubusang magaganap

Ibaon ang hinagap


*Inspirado ako ng isinulat ko ito dahil sa mensahe ni Melvin noong ika-18 ng Hulyo 2005 sa Stillwaters Kalai. Nabago ang paningin ko sa Banal na Ispiritu nang sabihin niyang “bitawan na ang imahinsayon – ‘di na kailangang pilitin ang sarili para maniwala sa kung ano ang totoo.”

Astig talaga ang Diyos! Maraming salamat sa pagiging tagapagsalita Niya, minamahal na Melvz!
(Naiintindihan kita! =>)

posted by d0naligem @ 9:32 AM 0 comments

 

Post a Comment

<< Home